Talastasan ni Andrew at Aya

This started out as a conversation in our Facebook Chat among friends. The rhyme was good so I am sharing it. It is in Tagalog though so if you have any Filipino friends, ask them to translate for you. Special thanks to Andrew for agreeing to post this. Some of there words were from him.

Si Aya at si Andrew, parehong sinisinta ang isa’t isa

Ngunit sa pag-iisip, sila ay magkaiba.

Mula sa tuksuhan sa loob ng barkadahan

Ang ating dalawang bida’y nagkapalagayan.

Ang binata, masipag sa pag suyo

Sa dalagang sinisinta na ng kanyang puso

Ang dalaga nama’y tuluyan na din nahulog

Dahil sa pagkapursigido nang kanya nang irog

Isang misyon mayroon ang ating binata

At ito ay ang maglapat ng ngiti sa kanyang sinta

Subalit ang kanyang mga pambatong banat

Sa ating dilag minsan ay hindi sapat

Tunghayan ang kanilang talastasan

Nang sila na ay nagkalabuan:

Andrew:

Pag ako nakabawi di na ako hihirit pang muli

Mahirap na magsimula sa umpisa

Baka di na abutan sa dulo

kapag nagumpisang muli

Patawarin na ang pusong minsan nawawala

sa pagtibok dahil napapagod din sa paghihintay

Aya:

Kung ang nararamdaman ng puso ay totoo,

hahamakin ang lahat masunod ka lamang,

ngunit sa aking wari’y wala na ang apoy

Andrew:

Kung ganon man ay walang magagawa

kundi pabayaan kang lumaya.

Hindi na rin ako sasaya

kung pipilitin ang pagsinta

Aya:

Ngunit kung buo na ang iyong desisyon,

ano pa ba ang magagawa kundi sumangayon

Mula sa malayo ikaw ay tatanawin

at mapapabuntong hininga na lang sa hangin

Andrew:

Oo. Ngunit wala nang magagawa.

Ang apoy sa iyong dibdib ay nawala na

Siguro balang araw kapag nagtagpo,

ang pagtitinginan ay muling mabubuo

Ngunit di ba ang sabi nila

ay dapat napapatawa mo ang sinisinta.

Pakiramdam ko ba’y

hindi na talaga mapapasaakin pa

Aya:

Sa iyong unang sinabi ako ay umaasa

Sana maging ganun sa ating susunod na pagkikita

Ako din ay umaasa

Na tayo ay magkakabalikan pa

Ang pag ngiti sa labi ay isang indikasyon

na ikaw at iyong sinisinta’y sa pagiisip iisa ang hubog

Subalit ako’y naniniwalang

ang pag iisa ng isip ay napapatindi ng panahon.

Paano tayo uusad kung susuko ka na ngayon?

Kung ako ay iyong bibitawan,

Hindi lang ikaw ang mawawalan.

Maari ding maglaho

Ang ating mga pangako

Katahimikan

Tinginan

Yakapan

Ang kanilang mga kamay ay naghawakan

Ngunit sila ay nakatingin sa magkaibang daan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s